Морган Райс - Ikot стр 2.

Шрифт
Фон

Hindi niya inakalang magiging ganito kasama. Marami na siyang nakita dati pero hindi katulad nito.

Nakatayo lang sya sa labas ng pampublikong eskwelahan sa lungsod ng New York. Malamig nang umagang iyon ng Marso. Bakit ako? Sa gitna ng gulo ng daang estudyante na nagsisigawan at nagtutulakan, napaka-ordinaryo ko. Hindi siya handa. Pakiramdam nya nasa bakuran siya ng bilangguan.

Masyado silang magulo. Sobra silang maingay at magmurahan. Aakalain mong may away kung hindi dahil sa ilang nakangiti at nagtatawanan. Hindi niya maintindihan kung san sila kumukuha ng lakas. Giniginaw siya, pagod at kulang sa tulog. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nagbabakasakaling mawawala ang lahat ng gulong ito. Sinuot niya ang earphones ng kanyang ipod pero wala na pala siyang baterya. Kinuha niya ang kanyang cellphone ngunit wala namang tawag o bagong mensahe.

Pinagmasdan niya ang mga mukha ng mga nakapaligid sa kanya. Pakiramdam niya nag-iisa siya. Hindi dahil siya lang ang nag-iisang puti. Mas gusto nga niya iyon. Mas nagiging kaibigan niya pa ang iba ibang lahi kaysa sa katulad niya. Kaya hindi ito ang dahilan ng kanyang pag-iisa. Ito ay dahil nasa lungsod siya. Isang malakas na buzzer ang tumunog para lamang papasukin siya sa "panlibangang lugar" na ito. Napapaligiran siya ng naglalakihang gates na gawa sa metal at may mga barb wire sa itaas. Pakiramdam niya talaga nasa bilangguan siya.

Madali naman sya dating umangkop sa bagong lugar. Ang pinag-kaiba nga lang ang mga eskwelahan niya dati ay mga nasa labas ng lungsod. Sanay siya sa damuhan at maraming puno. Dito ay lungsod. Pakiramdam niya hindi siya makahinga. Natatakot siya.

Isa ulit malakas na buzzer ang tumunog. Kasama ng daang mga estudyante ay nag-umpisa siyang pumasok sa pasukan ng eskwelahan. Nabunggo siya ng isang malaking babaeng estudyante na ikinalaglag ng journal niya. Dinampot niya ito at naghintay ng paumanhin galing sa babae pero hindi na niya ito nakita. Ang narinig na lamang niya ay halakhak nito. Hindi niya alam kung para sa kanya ba ang halakhak na iyon.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang journal. Isang bagay na nakakatulong sa kanya mula pa pagkabata.

Sa wakas ay nakarating din siya sa mismong pintuan. Kinailangan niyang sumiksik para lamang magkasya. Para siyang nasa istasyon ng tren tuwing kadamihan ng tao. Nais lamang niya ay hindi na ganoong kalamig sa loob.

Dalawang naglalakihang security guards ang nakatayo sa may pintuan kasama ng dalawa pang pulis mula sa lungsod ng New York. May mga baril sila sa kanilang gilid.

"SIGE LANG, PASOK!" sabi ng isa sa mga security guard.

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang may pulis sa loob ng paaralan. Lalo niya itong ikinatakot. Dagdagan pa ng kailangang pagdaan sa metal detector. Istilo ng ginagawa sa mga paliparan.

Apat pang mga pulis ang nakatayo sa magkabilang gilid ng metal detector at dalawa pang security guards.

"ALISIN NINYO ANG LAMAN NG MGA BULSA NINYO!" sigaw ng isang guard.

Napansin ni Caitlin ang ibang mga estudyante na naglalagay ng kanilang mga gamit sa isang plastik na lalagyan. Ganun din ang ginawa nya sa kanyang ipod, pitaka at susi.

Dumaan siya sa detector. Umalarma ito.

"IKAW! DITO KA SA TABI" sigaw ng guard sa kanya.

Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kanya habang pinapadaanan siya ng handheld detector.

"May suot ka bang alahas? "

At doon niya naalala ang kanyang krus na kuwintas.

"Hubarin mo iyan!" sigaw ng guard.

Kuwintas ito na bigay ng kanyang lola bago ito pumanaw. Bigay din daw ito ng lola niya. Isang maliit na krus na gawa sa pilak na may nakaukit na mga salitang Latin. Hindi na ito naisalin ng kanyang lola. Hindi siya relihiyosa pero alam niya ang kahalagahan nito na daang taon na sa kanilang pamilya. Ito lang marahil ang pinakamahalagang pag-aari niya sa ngayon.

Itinaas lamang niya ito at sinabi sa guard na hindi niya ito huhubarin.

Tinitigan siya ng guard nang masama. Hanggang sa biglaan na lang nagkagulo. May mga nagsisigawan habang may isang pulis na humablot sa isang payat at matangkad na lalaking estudyante at iniharap ito sa may dingding. Nakakuha siya ng isang maliit na kutsilyo mula dito.

Tumulong ang guard na tumititig kay Caitlin. Siya namang alis niya papasok sa eskwelahan kasama ng karamihan ng mga estudyante patungo sa may bulwagan.

Maligayang pagdating sa pampublikong paaralan sa lungsod ng New York! Magaling!

Hindi na siya makapaghintay para sa kanyang pagtatapos.

Hindi siya makapaniwala sa laki ng bulwagan nila. Ganun pa man, nakuha pa rin nitong mapuno ng mga estudyante, balikat sa balikat. Tingin niya ay may libong estudyante doon. Puro mukha ang nakikita niya. At mas maingay at magulo pa dito. Gusto niya sanang takluban ang mga tenga niya ngunit

imposibleng gawin ito. Dahil sa sikip, hindi niya maitataas ang kanyang mga siko.

Tumunog ang bell.

Lalong tumaas ang enerhiya ng lahat.

Huli na siya.

Tiningnan niya ulit ang papel kung saan nakalista ang numero ng silid aralan. Nakita niya ito mula sa malayo. Sinubukan niyang sumiksik para makadaan sa gitna ng mga estudyante pero hindi itong madaling gawin. Kailangan niyang maging agresibo kung gusto niyang makaabot sa klase niya. Sa wakas, nakarating din siya sa kanya unang klase. Inaasahan niya ang mga titig dahil sa bago siya at atrasado pa. Ngunit di niya inaasahan ang kanyang naabutan. Maingay ang lahat. Marami pang nakatayo at ang iba ay nakaupo pa sa kanilang mga mesa. Kahit pa limang minuto na makalampas ng oras ng klase, ang kanilang guro na mukhang gusot na gusot ang damit ay hindi pa nagsisimula. Nakataas lamang ang mga paa nito sa kanyang mesa habang nagbabasa ng dyaryo. Hindi sila pinapansin.

Nilapitan ni Caitlin ang guro upang ibigay ang kanyang ID. Tumayo lamang siya sa harap niya, naghihintay na tumingin sa kanya ngunit hindi siya nito pinansin. Sinubukan niyang kuhanin ang atensyon nito. Doon lamang niya ibinaba ang kanyang binabasang dyaryo.

"Ako si Caitlin Paine. Bagong estudyante ako dito. Kailangan ko atang ibigay ito sayo." sabi ni Caitlin sa guro habang inaabot ang ID niya.

"Sub lang ako dito" sabi ng guro sabay basa ulit sa dyaryo niya.

"Hindi ka kumukuha ng attendance?" tanong ni Caitlin.

"Babalik ang inyong guro sa Lunes. Siya na ang bahala diyan" paaling na sagot ng guro.

Hindi siya makapaniwala. Wala siyang magawa kundi ang maghanap na lang ng mauupuan. Pero saan? Wala nang bakante. Ayaw niyang tumayo sa buong oras ng klaseng iyon. Magulo pa din ang lahat, nagsisigawan. Wala man lang nakakapansin sa kanya. Napansin niyang pati pananamit nila ay iba sa kanya. Naisip niyang umalis na lamang. Tutal wala namang pakialam yung kapalit na guro. Nung akmang aalis na siya ay may nagsalita sa likuran niya.

"Ito" sabi ng matangkad na lalaki habang nakatayo sa tabi ng mesa niya sa may tabi ng bintana sa may likuran.

"Upo ka" sabi niya ulit.

Panandaliang tumahimik ang silid. Lumapit siya sa kanya. Sinubukan niyang huwag tumitig ngunit hindi niya napigilan ang sarili niya. Sobrang ganda ng mga luntian niyang mata. Napakakisig niya. Hindi niya malaman kung anong lahi siya galing. Maikli ang kanyang kulay kapeng buhok at makinis ang kanyang balat. Mayroong bagay sa kanya na hindi nababagay sa lugar na iyon.

Hindi rin nangyayari sa kanya ang mabighani ng ganoon sa isang lalaki. Nakita niya ang mga kaibigan niyang ganun pero hindi siya. Ngayon naiintindihan na niya ang pakiramdam.

"Saan ka uupo?" kinakabahang tanong ni Caitlin sa lalaki.

Ngumiti ang lalaki at doon nakita ni Caitlin ang kanyang perpektong mga ngipin.

Ваша оценка очень важна

0
Шрифт
Фон

Помогите Вашим друзьям узнать о библиотеке

Скачать книгу

Если нет возможности читать онлайн, скачайте книгу файлом для электронной книжки и читайте офлайн.

fb2.zip txt txt.zip rtf.zip a4.pdf a6.pdf mobi.prc epub ios.epub fb3

Популярные книги автора